0

30

It’s my 30th birthday today. I feel old but happy.

Time seems to slip very fast after you start working. When you have too many things to do, too many  responsibilities to shoulder and too many dreams to fulfill; time really flies. Still, I’m very thankful for all the blessings that God has given me and my family.

Looking back, I did accomplish some of my dreams.Who would have thought that I’ll take a graduate degree and finish it with flying colors? I was able to help my family financially, buy a car and a condominium unit, had the chance to work in Singapore and met new friends. I was able to use my talent in serving God and just recently, we migrated to Canada. Aside from these, there were other countless blessings in my 30 years of existence to be thankful for.

Looking forward, there are still dreams that I want to achieve. I hope I’ll be able to give our daughter and our future children the best education and the best life they can possibly have, build our dream house here in Canada, have a business so I don’t have to work for anybody anymore, retire early, play golf and just live life.

To all my friends, family and colleagues who have greeted me, thank you very much. You made my 30th a special one. Cheers to life beyond 30.

0

Mangibang Bansa ay Di Biro

Iniisip kong palitan ang blog na ito ng “The OFW Chronicles” pero medyo baduy. At oo, isa na akong ganap na OFW kaya may bago na naman akong mga kwento at experience na maibabahagi di lang sa pagiging tatay pero bilang isang tatay na OFW.

Labing pitong araw ko ng hindi nakakasama ang pamilya ko. Araw-araw, unti-unti kong sinusubukang tanggapin na ganito na ang set-up ko sa mga susunod na buwan. Ang makausap sila sa Skype at viber na lamang ang paraan para makaconnect kami sa isa’t-isa. At biruin mo yun, hanggang dito minumulto ako ng Globe. Oo, kahit dito bulok ang globe. Tsk tsk.

Mabuti na lang umaangat-angat na ang teknolohiya. Di tulad dati na ang tanging paraan ng komunikasyon ay sulat, long distance calls, telegarama, recorded tape at madalas tiis na walang usap-usap ilang taon at buwan. Kung hindi, baka maraming ama, ina, kapatid, lolo at lola ang mababaliw sa lungkot. Kung tutuusin wala tong nararamdaman ko sa nararamdaman ng mga OFW noong unang panahon. Totoong mahirap kumita ng pera, pero mas mahirap ang malayo ka sa pamilya mo.

Medyo ok na ako ngayon, nandito karamihan ang wala sa Pilipinas, lalong-lalo na ang disiplina. Walang bumubusina hanggang mamatay ka, walang tumatawid ng nakared ang stop light, hindi madumi ang hangin, evident ito sa puting kulangot at ok lang pumila dahil walang sumisingit sa pila. Lahat andito na, pwera ang pamilya ko. Emo entry nga pala to.

3 oras lang naman ang lipad pauwi ng Pilipinas, parang umuwi lang kami sa Tayabas at parang balikan lang ng Manadaluyong-Angono, yun nga lang isanlibong beses mas mahal ang pamasahe. Salamat sa mga bagong kaibigang tumutulong sa aking maging masaya. Seryoso, struggle ang bawat araw pero gumagaan dahil sa mga kaibigan at mga nakakasama mo. Sigurado ako, lahat kami may ganitong kwento at hindi mo kakayaning maging isla dito, rurupok ka at manghihina.

So far ito ang mga natutunan ko:

  1. Maging open, di ka pwedeng introvert, mababaliw ka. Makipag-usap ka, gumala ka, sumama ka sa mga kapwa mo pinoy dahil mahirap kausap ang pader at kisame
  2. Maging masinop at matipid, di hamak na mas malaki ang sweldo mo dito, pero mas malaki din ang gastusin
  3. Kung magskype kayo, wag masyado matagal, lalo mo sila mamimiss. Kung baga araw-araw pero paonti-onti. Lahat ng sobra masama
  4. Try mo gumawa ng mga bagay na malilibang ka, halimbawa matulog. 😀
  5. Nandito ka na rin lang para magtrabaho, galingan mo na.
  6. Ito ang pinakaimportante, manalig sa Diyos, magdasal na sana bigyan ka ng lakas ng loob at isip na kayanin ang araw-araw na hamon ng pag-uwi, na alagaan ang mga taong mahahalaga sayo na iniwan mo at magpray na sana po hindi si Binay ang manalo sa darating na eleksyon.

348 days na lang at lalaya na ako, yun e kung hindi ako mag-enjoy dito at isama na lang ang pamilya ko. Saludo sa lahat ng mga OFWs lalo na yung mga senior OFWs(nakamaong na jacket at maraming ginto sa katawan). Wala tong nararamdaman ko sa naramdaman nyo dati.

0

Eksaktong isang taon na…

Eksaktong isang taon na ang nakakaraan, maraming pagbabago ang sa amin ay dumating. Ang pagdating ng pinakaimportanteng tao sa aming buhay. Ang bunga ng aming pagmamahalan. Ang pinagmumulan ng aming habang buhay na kaligayahan.
Eksaktong isang taon, ipinanganak ka anak at tandang-tanda ko pa ang lakas ng iyong iyak. Parang naka megaphone at buong delivery room ay ginambala mo sa iyong ingay. Ang mga luhang nakapinid sa aking mata ng masilayan kita sa unang pagkakataon ang pinakamasayang pagluha ko.

Eksaktong isang taon anak, maliit ka pa, maputi-puti, kamukha mo ang tito ninong mo, may dimples ka at hindi ka pa malikot. Ang hirap mong hawakan kasi baka madurog ka ng aking matitipunong bisig. Ang mga nurse mo, magaling magpaligo parang turumpo ka lang na iniikot-ikot sa batya at ang bills natin sa ospital, ang mahal, pero tatandaan mo na kahit maubos ang lahat-lahat-lahat ng meron kami, basta para sayo, di kami magdadalawang isip itong ibigay.

Ngayon ngang isang taon ka na, ubod ka na ng likot. Madami ka ng tricks, madami ka na ring kalokohan. Madaldal ka, sabik sa kalaro(di bale, next project namin ni Nanay ang kalaro mo), mahilig makipagtitigan at hindi mo titigilan ang pagtingin hangga’t di tumitingin sayo ang tinititigan mo. Mahilig ka sa books at toys, kinakain mo nga lang. Wala ka pa ring ngipin pero ok lang ang cute mo pa rin. Medyo pumayat ka na kasi maghapon kang galaw nang galaw. Mahilig ka pa rin sa commercials at walang makakatinag sayo pag nanonood ka nito. Nakakalakad ka na rin ng more than 5 steps at magaling ka ring gumapang, mabilis! Maputi pa rin ang mukha mo pero yung leeg pababa, medyo dark, kanino ka kaya nagmana? Medyo tumutubo na rin ang ilong mo, akala ko magmamana ka sa tita mo. Nageenjoy ka rin sa pagligo at hindi ka mahirap paliguan basta kasama mo si rubber ducky.

Ngayong birthday mo anak, nais ko lang malaman mo na mahal na mahal ka namin at lahat ng ginagawa namin ng Nanay mo ay para sayo, para sa magandang kinabukasan mo. We love you anak. Happy birthday!

0

Unang Tayo, Tulay at Pagbagsak – ATBP

Di baleng madapa ka, ang mahalaga ay bumangon ka’t siniguradong may natutunan ka sa pagkakadapa mo.

Parang seryoso ang opening ko, pero nais ko lang i-share na SOBRANG LIKOT na ng anak ko. Lakad dito, lakad doon, gulong dito, gulong doon, iyak dito, iyak doon at kung anu-ano pang dito at doon. Kung makangiti pa, kala mo naman may ngipin na. Ang di ko lang alam, pag nadadapa ba ang bata, natututo ba sya talaga, tayo ngang matatanda, madalas madapa wala namang natututunan.

Pag malikot na sya, mamimiss mo yung first three months nya na pag binaba mo sa isang lugar, doon mo pa rin dadatnan. Ngayon pag binaba mo sa isang lugar dalawa lang ang pwedeng mangyari, iiyak sya o susunod sya sayo. Hindi ako nagrereklamo, mas ok ngayon kesa dati kasi nagrerespond na sya sayo. Ibang-iba ang pakiramdam at kahit pagod ka, pag ngumiti sya sayo, pawi na ang lahat ng pagod mo.

Marunong na syang tumayo, at magaling na syang gumapang. Naglalakad –lakad na rin sya sa sala habang nakakapit sa sofa. Sumasabay  na sya kumain sa amin, at nagagalit pag matagal ang susunod na subo. Malakas kumain, 6 na dede, 3 soft food araw-araw.  Nauubos tuloy ang imbak na gatas ng aking asawa. Ayaw nya uminom ng tubig sa feeding bottle, gusto nya sa baso o kaya naman gamit ang kutsara. Galit pa rin sya sa vitamins nya, buti na lang wala pa rin syang magawa pag pinapainom namin sya. Malakas na rin sya sumigaw at umiyak, nananapok na din, naninipa sa mukha habang natutulog at nang-uupper cut pag niyakap mo. Hindi na rin kami tabi matulog ng asawa ko dahil may matabang spacer sa gitna namin. Ayaw sa Crib matulog, nagiging kulungan na lang nya pag may ginagawa kami. Sana di pa muna nya maisip tumalon palabas ng crib. 9 na buwan na sya, at di ako nagsisising di ko tinanggap ang offer ko abroad dahil kung hindi, mamimiss ko lahat ng ito.

Naadik kaming mag-asawa sa FRIENDS, at hindi lang kami pati si baby, well yung opening song lang naman ang laging nakakakuha ng atensyon na, sumasayaw sya habang nakaupo at hindi mo sya magagambala habang tumutugtog ang “I’ll be there for you, (When the rain starts to pour), I’ll be there for you, hmm hmm hmm hmm hmm hmm”.  Mahilig din sya sa commercials, lalo na yung “Surf Powder, May fabcon na”, pero pag totoong palabas na katulad ng Forevermore, wala na syang pake. Kagabi lang namin napatunayan na nakakaidentify na rin sya ng kanta, dahil pag kumakanta ako ng wiggle wiggle(Favorite song nya), sumasayaw sya pero pag my  heart goes shala-lalala, di sya sumasayaw.

Ang galing lang, ang sayang experience at napakaswerte naming mag-asawa na may ganito kaming biyaya na natanggap. Sulit ang pagod sa trabaho dahil lahat ng ginagawa namin, alam naming para sa ikabubuti nya. Malapit na syang mag-isang taon, ang bilis lang ng panahon, mukhang kailangan ko ng matuto ng ibang martial arts bukod sa boxing dahil di ko na lang mamamalayan may manliligaw na si baby.

0

Binyag, Soft food, Unang Gapang at Upo

Matagal-tagal na din akong di nakapagsulat dahil sa busy schedule at kung anu-anong activities na ginagawa aside sa pag-aalaga kay baby. Marami na rin syang level-up simula noong huling beses akong sumulat. Natuto na syang gumapang at umupo, konti na lang at makakasabay ko na syang maglakad at di ko na lang mapapansin, magkakaboypren na sya at ako na ang kanyang di papansinin.

Nagsimula ang lahat sa frog-like jump na gapang. Habang tumatagal, lumalakas na ang mga bisig ni baby. At ngayon, mabilis na syang gumapang lalo na kung may pinag-iinitan syang abutin na bagay, ika nga namin “Eyes on the prize” ang itsura ni baby habang masigasig nyang ginagapang ang laptop, bag, cell phones, plastic at kahit anong makita nyang sa tingin nya ay pwede nyang isubo.

Ngayon sa umaga, pagkagising nya ay dadapa sya at magpupush-up sabay tira ng killer smile pag narinig na nya ang “Gooooooooooood Morniiiiiiiiiiing Baby!”(note: high pitch). Ito ang pinakamaiging umagahan na matatanggap ng isang tatay na katulad ko. Madalas kasi, aalis ako ng tulog si baby at dadating akong tulog din sya, kaya masarap namnamin ang ngiti ng aking munting prinsesa sa umagang naabutan ko siyang gumising.

Natuto na rin syang umupo mag-isa, mahirap nga lang kasi medyo hindi pa magaling mag-balance ang aming tabachingching at noong minsan ay nauntog pa ng bumagsak sya sa pagkaka-upo. Lesson learned, wag munang iwanan magisa si baby lalo na kung hindi malambot ang sahig dahil nagdidive sya patalikod. Laging tatandaan, doble ang sakit na mararamdaman mo kung si baby ang nasasaktan. Naiisip ko pa lang, na kung may mananakit na lalaki sa anak ko, titriplihin ko ang sakit na mararamdaman nya sabay ang mga linya ni Liam Neeson sa Taken na “I will look for you, I will find you, and I will kill you”.

Patuloy ang paglaki at pag level-up ni baby. Gaya nga ng sabi sa commercial sa radyo ng tiki-tiki, “palaki na sya nang palaki at patakaw na sya nang patakaw”. Wala pang ngipin si baby (excited na kami) pero maari na daw siyang kumain ng soft food (lahat ng pwedeng imashed ay pwede). Favorite ni baby ang saging pero di ko masabi kung gusto ba nya yung patatas, ang boring kasi ng lasa. Ibang-iba na rin ang jebs ni baby, umaalingasaw at kulay green na, nakakapanghina lalo na kung ikaw ang magpapalit ng diaper.

Isa na ring ganap na Katoliko ang aming munting prinsesa noong binyagan sya last November 8. Sa mga tatay at nanay na magpapabinyag, may mga simbahan na pwede magpabinyag ng solo at sabayan. Kung gusto nyo ng solo, research na kayo kung saang simbahan merong solo habang maaga dahil parang kasal, nagkakaubusan din ng schedule ang mga simbahan. But wait, there’s more, kung ikaw ay magpapabinyag sa isang simbahan outside sa nakakasakop na parokya sa iyong tinitirhan, kailangan mong magsecure ng authorization letter (di ko sure ang totoong tawag sa letter, pero parang ganyan) na mula sa parish ng bayan/city mo na isusubmit mo sa simbahan na pagbibinyagan ni baby. At least php 500 ang bayad sa simbahan at at least Php 50 per ninong/ninang. Mas maganda ang solo dahil hindi masyadong marami ang tao sa simbahan at walang pila sa pagbubuhos, medyo personalized din ang binyag pag solo kaya kung may extra ka naman, mag solo ka na. May ibang simbahan din na nangangailangan ng baptismal certificate ng mga ninong at ninang. Ito ang pinaka importante sa lahat, alamin mo ang full name ng mga ninong at ninang para di nickname ang ilalagay mo sa form katulad ng nangyari sa akin.

Nais po naming magpasamat sa lahat ng nagpunta sa binyag at sa mga nagbigay ng mga sosyal na damit at laruan. Hindi po namin mabibili ang mga ito kung hindi dahil sa tulong nyo at so far paborito nya ang mga asong nagsasalita, di lang gulpihin kundi para kainin.

Merry Christmas po sa lahat ng mga luma, bago at magiging tatay kasama ng inyong pamilya! May God bless our family more.

0

Mas Masakit Kung Si Baby Ang May Sakit

Ubo dito, ubo doon. Bahin dito, Bahin doon.

Ito ang unang pagkakataon na nagkasakit si baby. Nakakaawa, masama pakiramdam nya pero di nya masabi dahil sa pag-iyak lang nya maipaparating ang nararamdaman nya. Sa bawat ubo at bahin, parang may binabaon sa puso naming mag-asawa. Totoo nga ang sabi ng matatanda, na mas gugustuhin pa ng magulang na sila ang magkasakit kesa ang kanilang mga anak. Ito na ata yung panahon na maalala mo lahat ng sinasabi ng Nanay at Tatay mo na nagsisimula sa, “Pag ikaw nagakapamilya…” at “Pag-ikaw nagkaanak, maiintindihan mo din …”. Dahan-dahan at unti-unti mong maiintindihan at pagdadaanan ang lahat ng pinagdaanan nila.

Kumunsulta kami sa Pedia at sa awa ng Diyos, wala naman daw plema si Kaite, sipon lamang daw at kaya inuubo ay dahil sa backflow ng sipon sa lalamunan nya. Ang masama daw ay yung may garalgal ang ubo dahil ibig sabihin noon ay may plema na sya. Natatakot ako dahil bilang may hika ako, ayaw kong maranasan ng anak ko ang hirap ng mayroong hika. Kung baga sa kanta, “Kunin mo na ang lahat sa akin, wag lang ang hika ko— at itsura ko :D. Naalala ko ang pakiramdam na parang 1/8 na lang ng baga ko ang hinihingahan ko at dahil wala kaming pambili ng nebulizer, dinadala ako sa hospital para makigamit ng nebulizer.

Maari daw dahil sa pagpapalit ng panahon kaya sinipon si baby, kaya ang binigay sa amin ay nasal spray at anti-histamine na naka-drops. Siyempre, first time ko rin makakita ng nasal spray kaya tinry ko muna. Masakit sa ilong, nakakaluha, pero nakakatunaw nga sya ng sipon. Ang weirdo nito, si baby di naluluha at di naiirita sa nasal spray, buti na lang dahil dagdag sakit na naman kung makita mo syang nahihirapan sa gamot.

Alam kong simula pa lang ito ng maraming pagkakataon na makikpaglaban kami sa sakit, pero ang tanging hiling ko lang at malamang  ng lahat ng magulang ay wag na sanang kahit anong mas malala pa dito. At kung pupwede, sana wag na silang dapuan ng kahit anong sakit.

Please lang ubo’t sipon, sana ito na ang una’t huling dadapuan mo ang anak ko, dahil kung pwede lang kitang sapakin, bubugbugin kita.

0

Bagong Bahay, Buhay, Dapa, Vaccine, Damit at Iba Pa

Patuloy pa rin ang puyat, gastos at umaapaw na pagmamahal.

Habang tumatagal, palaki na nang palaki si baby. At pag sinabi kong palaki nang palaki, vertical at mas ang horizontal. Dumadaldal na rin sya, sinusubo ang kamay at umaasim na rin ang kanyang mga singit-singit sa katawan. Paborito ko itong amuyin kahit amoy humpy dumpy cheese flavor ito. Pati ang hininga nya, ang bango-bango. Amoy fresh kahit bagong gising sa umaga di tulad naming mag-asawa.

Tuloy pa rin ang bakuna buwan-buwan. So far meron na syan for Hepatitis B, Diphtheria, Pertussis(Whooping Cough) and Tetanus(DPT), Oral Polio Vaccine(OPV)/Inactivated Polio Vaccine(IPV), H. Influenzae B, Rota virus, Pneumococcal cunjugate(PCV). Next month naman ay Rotarix#2 at PCV#2.  Matapang si baby, di pala-iyak sa turok. Minsan mahirap makitang nasasaktan ang anak mo dahil sa injection pero dapat mong tiisin dahil para sa kanya naman ito.

Ang mga damit ni baby kahit apat na buwan pa lang sya ay for 6 months na, ang diaper nya medium na (mas mahal at mas onti na ang diaper habang lumalaki ang size nito). Di na rin sya mahirap paliguan at naeenjoy na nya ito. Nagfoformula na din sya paminsan-minsan kahit minsan ayaw nya dumede sa feeding bottle.

Si misis, medyo mahina na ang produksyon ng factory ng gatas nya kaya naman kumakain sya ng mga cookies, cupcakes, tinapays na meron flaxseed, brewer’s yeast, fenugreek at ang walang kamatayang malunggay na inihahalo sa sinigang, tinola, nilaga at kahit anong may sabaw. Minsan chinecheck ko na rin kung may gatas na rin ako, sa kabutihang palad, wala pa naman.

Maigi na ring bihisan si baby, halos araw-araw ay nag pophoto shoot sya suot ang kanyang mga bagong damit, medyas, head band at kung anu-ano pang ekek ng mga babae. BIbigyan ka rin nya ng matamis na ngiti at malakas na tawa. Pag nainitan naman sya ay bibigyan ka nya ng iyak na madalas ay mahirap iinterpret kung ano ang ibig sabihin.

Kahapon ay nabless na ang aming bahay after 5 months ng paninirahan kaya bye bye na sa mga bad spirits kung meron man. Nakadapa na rin mag-isa si baby sakto sa kanyang 4th month birthday. Di namin navideo at di rin namin napanood dahil nadatnan na lang namin syang nakadapa. Sayang! May kaonting handaan sa piling ng aming pamilya at malalapit na kaibigan na sinamahan kami sa isang milestone na ito sa aming buhay. Natulog kaming puyat ngunit masaya.

Naghahanap pa rin kami ng yaya. Kung may kakilala kayong mabait, masipag at magaling magluto baka maari lamang ipag-bigay alam nyo sa amin.

Thank you Lord sa blessings di lang sa mga materyal na bagay kundi sa mga kaibigan at pamilyang nagmamahal sa amin.

0

Unang Father’s Day

Haligi ng tahanan kung ipakilala sya noong elementarya. Provider at idol sa iba. Mayroon din namang sira-ulo at gagong mga ama pero hindi natin maikakaila, kagaya ng mga ina, utang natin ang buhay natin sa kanila.

Medyo kakaiba na makatanggap ka ng text at greetings sa facebook ng happy father’s day. Kapreho siguro ito ng pakiramdam ng unang birthday, unang graduation at unang trabaho. Pero sa lahat ng una, para sa akin ito ang una sa maraming pagkakataon na kailangan kong patunayan na karapat-dapat akong tawaging ama ng anak ko, at asawa sa misis ko.

Habang lumalaki ako, kakaonti ang ala-ala ko ng perpektong buhay, mahirap ang pinagdaanan namin. Hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw, nangungutang ng pang-tuition at pambaon, hindi makakagraduate kung hindi pinag-aral ng mga tito, tita, ninong at ninang. Hindi ko nais sisihin ang mga magulang ko, alam ko namang ginawa nila ang lahat para maitawid kami sa kabilang dulo ng daan. Mainam pang sisihin ang tadahana, pero kung hindi dahil sa mga hirap na dinanas naming magkakapatid, di kami matututong lumaban at magsumikap at ipangako sa sarili na ang pamilyang bubuuin namin ay  hindi kailan man daranasin ang hirap na bumalot sa aming pagkabata.

Salamat sa tadhana dahil naituro nito kung paano ako magiging ama at asawa, maging kapatid at kaibigan. Kung meron akong natutunan,ito ay di lahat perpekto, di lahat naayon sa plano, di lahat ng meron ang kalaro mo noong bata magkaka-roon ka, pero ang magagawa mo lang ay magsumikap upang ang anak mo ay magkaroon ng lahat ng bagay na wala ka noon, pero kasabay nito dapat matuto siyang magsumikap para makuha din ang mga bagay na gusto nya.

Ito ang mga pinakaimportanteng bagay para sa akin, alam kong newbie, rookie pa lang ako sa larong ito, pero habang lumalaki ako, ito ang hinahanap ko sa tatay ko kahit nandyan naman sya:

1. Suportahan mo ang asawa mo, wag mo siyang ipapahiya sa harap ng mga anak mo, lalo na sa harap ng ibang tao.

2. Unahin mo ang pamilya mo, ibigay mo ang pangangailangan nila pero wag ka ring makakalimot na tumulong sa iba.

3. Wag na wag mong ipagkakait sa mga anak mo ang pangunahing pangangailangan nila, di baleng ikaw ang mawalan wag lang sila.

4. Pilitin mong alamin ang gusto ng mga anak mo, pilitin mong matutunan ang mga lesson nila sa school, para naman pag may assignment sila, matuturuan mo sila.

5. Wag mong sasaktan ang anak mo lalong lalo na ang asawa mo, kung gusto mong manakit, mag boksingero ka, sigurado ang sakit doon.

6. Turuan mo silang magsumikap, matakot sa diyos at makipag-kapwa tao. Di nila sa ibang tao dapat matutunan yan.

7. Maging idolo ka  ng mga anak mo, sa isip sa salita at sa gawa

Marahil may hindi sasang-ayon o may mag-isip na para maging isang mabuting ama ay maging mala-Jesus ka na sa kabaitan. Hindi, maraming bagay na hindi natutupad, maraming bagay na hindi alinsunod sa tubo ng pagkatao mo, pero ang mahalaga, ikaw ang magbigay sa sarili mo ng panuntunan sa pagiging mabuting ama. At dahil nagset ka na rin lang naman ng standards, set it high.

Maligayang araw ng mga ama fellow tatays. Nawa’y patuloy nating magabayan ang ating pamilya sa alam nating pinakamabuti at tuwid na paraan.

0

Ang Unang Halik at Yakap, etc…

Matapos ang saya, matapos ang ligaya ay tinamaan na ako ng antok. Wala akong tulog maghapon dahil sa biglaang caesarian operation ni misis. Kaya’t matapos ang chores ng mga nurse sa akin(Mga 3 beses akong pabalik-balik pharmacy at nursery) ay sinubukan kong magpahinga. Di naman ako nahirapan, dahil pagkakain ko ng burger na dapat ay Ultimate Burger Steak, ay naidlip ako. Mga dalawa o tatlong oras din ako natulog at pagkagising ko ay ibabalik na daw sa kwarto nya si misis. Groggy at manhid pa ang kanyang katawan dahil sa anestisya na isinaksak sa kanya. Si baby naman ay naiwan sa nursery, bukas pa daw sya dadalin sa kwarto. Ako, si misis at ang mga lola ay muling na knock-out sa pagod pero natulog ng may kasamang ngiti sa aming mga labi.

Bago manganak si misis ay nag UTI sya dahilan upang iheplock(maliit na swero) si baby dahil according sa blood tests, mataas daw ang count ng WBC nya which is a sign of infection. Yun pala yung pinagbibili ko sa pharmacy. Kailangan swerohan si baby upang mabigyan sya ng antibiotic. Nakakalungkot na sa liit nyang yon, kinukuhanan sya ng dugo at sasaksakan pa ng swero. Pero lahat ito ay kailangang tiisin dahil para rin naman ito sa ikabubuti nya. Dito ko naalala ang karaniwang sinasabi ng nanay ko tuwing hinihika ako noon, na sana siya na lang ang naghihirap kesa ako. At dahan-dahan kong narealize na ang buhay ko, ang buhay naming mag-asawa ay hindi na lang sa amin kundi para sa bagong buhay na ipinagkaloob sa amin.

Dumating ang kinabukasan, excited ang lahat sa pagdating ni baby sa kwarto. Maaga kaming nagising dahil excited kaming makita at mahawakan si baby. Dumating ang nurse kasama ang aming munting anghel, maliit, makapal ang buhok, singkit, maputi(sa ngayon) at maganda. Lahat nakatungaga, lahat nanonood sa pinakabagong kaligayahan ng aming buhay.

Matapos maihatid sa kwarto si baby ay may bago na namang adventures ang tatay sa katauhan ko. Una, kailangan ko iadmit si Baby Girl Angeles, Pangalawa kailangan kong irehistro si Baby Girl Angeles at pangatlo, kailangan kong subukang buhatin si Baby Girl Angeles.

Hiwalay ang billing ng nanay at ng baby kaya kailangang iadmit sa admitting section si baby para magkaron siya ng sarili nyang billing. Ang mga bill na ito ay ang pag gamit ng nursery, pagtingin at pag rounds ng pediatrician at ang mga antibiotic at iba pang gamot na gagamitin kay baby. In fairness sa ospital, may libreng new born baby kit na may kasama pang palanggana at tabo para sa paliligo ni baby. Sa ka mga ka-tatay, siguraduhin nyong maiundergo ng new born screening ang inyong new born baby upang madetect at maagapan kung meron man ang mga usual na sakit na meron ang bata. Kasama na ito sa package ng panganganak sa napili naming ospital.

Upang mairehistro naman ang inyong anak, kailangan nyong gawin ang mga sumusunod:

1. Pumunta sa records section ng ospital at ifill-out ang form para sa certificate of live birth. Siguro naman sa mga panahong ito ay may pangalan na kayong naisip dahil ito ang isa sa pinakamahalang data na isusulat nyo sa form.

2. Matapos maipasa ang form at magawa ang certificate of live birth, reviewhin nyo itong mabuti dahil ano man ang nakalagay dito ay sya ring lalabas sa birth certificate ni baby. Tandaan, para maiwasan ang hassle in the future, reviewhin nyo na ng maigi ang certificate.

3. Pipirma ang records section ng ospital, ikaw(magulang) at ang doktor na nagpaanak sa misis mo sa certificate of live birth

4. Pumunta ka sa munisipyo ng bayan na pinagpanganakan ni baby. Hanapin ang office of the local civil registrar at magbayad ng Php 60 para sa serbisyo ng pagpapatala. Maganda na ang kalakaran sa gobeyrno, at least sa mga bayan sa Quezon, mabilis ang pila at efficient ang proseso. Sana ganito sa lahat ng government office.

Pangatlo at pinakamahirap sa lahat, kailangan mong matuto magbuhat ng bata. Mahirap, nakakatakot at nakakaba pero sobrang iba ang pakiramdam pag nabuhat mo na sa iyong mga bisig ang batang pinakaalaga-alagaan nyo sa loob ng siyam na buwan.

Ang unang halik at unang yakap sa aking anak na yata ang maituturing kong pinka-memorable na pangyayari sa buhay ko. At wala na akong mahihiling pa kung hindi ang mapalaking malusog, mabait, puno ng pagmamahal at kumpleto sa lahat ng bagay ang batang ito.